Aming hinihikayat ang publiko, lalo na ang aming customers-concessionaires, na ipagbigay alam sa MTWD main office ang anumang pagpapalit sa kanilang water meter stand pipes at fittings gayundin ang anumang pagbabago na maaaring makakaapekto rito na walang pahintulot ng aming opisina o ng anumang kaakibat na ahensya. Layunin ng MTWD na matugunan ang hamon na ito sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang pamantayan na abrupado ng MTWD para sa pantay-pantay na distribution at maayos na kalidad ng tubig para sa publiko.
Dahil dito, simula JULY 25, 2023 hanggang DECEMBER 31,2023 ang MTWD ay magkakansela ng pagpataw ng multa na nagkakahalaga ng Anim na Libong Piso (Php6,000) sa kung sinuman ang makakapag report ng nagawang pagbabago sa kanilang meter stand, pipe sizes o fittings, upang bigyan ng daan ang MTWD para mabalik sa wastong ayos at tamang pamantayan ang meter stand. Sinuman ang hindi makakapagreport at makapag-abiso hanggang sa nasabing petsa ay mapapatawan ng multa pagkatapos ng isasagawang inspeksyon.
Maraming salamat po.